Ang Huling El Bimbo, Addams Family Style, Para Lang Sa Iyo
Mahal ko, ikaw na parati nang inaadlahi
Ihinehele sa duyan ng lumbay noon,
Isinusumpa kong muling magbabalik ang ulan
Sa iyong ngayo'y payapang daigdig;
Mahal ko, ikaw na ngayo'y natututo,
Namamalas ang kakayahang ang sarili'y ipahayag
Gamit ang salitang parang
Mga ligaw na bulaklak sa parang,
Mga paruparo sa hardin kung sa iyong bibig mamutawi
Isinusumpa kong lalamunin ng kadiliman mo
Ang iyong pagkatao
At muli kang tatahimik ng walang hanggan.
Mahal ko, ikaw na matuwid at matayog,
Na parang punong nagbibigay-lilim,
Siyang dating silungan ng mga sa buhay ay nalulumbay,
Ang iyong kapangahasan ang magdudulot ng iyong pagbagsak
At ikaw ay magiging kawangis ng iyong kinatatakutan
At sa iyong pagbagsak, mahal ko
Naroroon ako't tatangis para sa iyo,
Aking iaabot sa iyo ang kaliwang kamay bilang tulong,
Habang hinuhugot ko ang aking punyal mula sa iyong puso
Gamit ang kanan.
For you, my love, and all that you are now,
Are as fleeting as all that you were...
And it is a shame that your memory lives on in me
For you never did.
And yet you will remain my Darling, my Dearest,
And soon, you will be...Dead.

__________________
Hehe. I'm freaking myself out with this, but I think it's good. Must be that Neil Gaiman book I was reading a couple of hours ago. It's not for anyone in particular, but I still like it, really. Wala lang akong magawa while waiting for the next class, at tapos na naman akong magtype ng dapat mai-type, so I just typed each and every word that came to mind. It's fun. I should make more.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home